Ano Ang Likas Na Yaman At Mga Uri Nito? Alamin!

Ano Ang Likas Na Yaman At Mga Uri Nito? Alamin!

May 31, 2023 by Jeel Monde in Categories Educational

ANO ANG LIKAS NA YAMAN – Ang mga bagay na mula sa kalikasan ay mga likas na yaman at ito ang mga uri nito.

Ano nga ba ang likas na yaman at ano ang mga uri nito? Paano natin ito mapapangalagaan sa mga simpleng pamamaraan natin? Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga yaman ng ating kalikasan at ito ang mga uri nito na mayroon tayo.

LIKAS NA YAMAN – Tatlong Anyo At Ang Apat Na Uri

LIKAS NA YAMAN – Ang Tatlong Anyo Ng At Ang Apat Na Uri Nito

LIKAS NA YAMAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang lahat na tungkol sa mga likas na yaman, ang tatlong anyo, at ang apat na uri nito.

Uulitin natin ang kahulugan nito.

Kahulugan

Ito ay mga yaman na binubuo ng yamang lupa, tubig, gubat, at mineral. Samakatuwid, ito ay mga yamang natural at hindi ginawa o binago ng tao.

Tatlong Anyo

  • Yamang nauubos at di napapalitan – tumutukoy sa mga yamang hindi mapapalitan kahit kailan. Kapag nagamit na, hindi maibabalik sa kanyang dating anyo.
    • Ginto
    • Bakal
    • Pilak
    • Tanso
  • Yamang napapalitan – ito ay mga yamang maaring palitan kapag nauubos.
    • Halaman
    • Isda
    • Hayop
  • Yamang Di-nauubos – Ito ay mga yamang hindi mauubos kahit ulit-uliting gamitin.

    • tubig
    • hangin

Apat Na Uri

  • Yamang Lupa – ito ay mga yamang galing sa lupa, hayop man o halaman

    • Puno
    • Prutas
    • Palay
    • Bigas
    • Mais
    • Halamang Ugat
    • Bulaklak
    • Pulo
    • Kapatagan
    • Kabundukan
    • Lambak
    • Bundok
  • Yamang Tubig – Mga yamang nanggaling sa tubig.

    • Isda
    • Starfish
    • Perlas
    • Corales
    • Pating
    • Lawa
    • Dagat
    • Karagatan
    • Ilog
  • Yamang Gubat – Ang pinakamahalaga na yaman. Ito ay mga yamang nanggaling sa gubat.

    • Punongkahoy
    • Agila
    • Usa
    • Insekto
    • Tamaraw
  • Yamang Mineral – Ito ay makikita sa mga kuweba o sa kalaliman ng lupa.
    • Tanso
    • Ginto
    • Pilak
    • Diamante
    • Moissanite

BASAHIN DIN – URI NG WIKA – Ang Apat Na Uri At Mga Halimbawa