Kahulugan Ng Tula at Mga Halimbawa Nito

KAHULUGAN NG TULA – Alamin ang kahulugan ng tula at pag-aralan ito ng mabuti gamit ang mga halimbawa na ito.

Ang isang tula ay isang sining o panitikan na ang layunin ay magpahayag ng damdamin gamit ang isang malayang pagsusulat. May mga anyo at uri ang isang tula pero iisa ang inilalayon nito – ang magpahayag ng damdamin.

Tulang May Sukat At Tugma: +5 Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto Ang +5 Halimbawa Ng Tulang May Kasamang Sukat At Tugma

TULANG MAY SUKAT – Kasama sa mga elemento ng isang tula ay ang sukat at tugma na nagsisilbing pondasyon ng likhang sining na ito.

Ating tandaan na ang isang tula ay posibleng magkaroon ng pormat o espesipikong estilo ng pagsusulat o kaya’y malayang pagsusulat. Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng tula na mayroong tiyak na haba at sukat.

Ibig sabihin, ang mga halimbawa ng tulang may sukat at tugma na nasa baba ay may espesipikong bilang ng pantig sa bawat latudtod at saknong. Heto ang mga halimbawa:

SA HULING SILAHIS

Sulat ni Avon Adarna (12 pantig, 4 na linya sa bawat saknong)

Inaabangan ko doon sa Kanluran

Ang huling silahis ng katag-arawan

Iginuguhit ko ang iyong pangalan

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinarama sa hanging habagat

Mga alaala ng halik mo’t yakap

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo

Ang iyong larawan at mga pagsuyo

Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso

Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

Sa pag-aagawan ng araw at buwan

At pagkapanalo nitong kadiliman

Ay nakikibaka ang kapighatian

Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

Ang iyong pag-iral, hindi na babalik

Kahit na ako’y lubos na tumangis

Pag-ibig na lamang na igting na nais

Ang makakapiling sa huling silahis.

AKING DASAL

(7 pantig, 1 linya sa bawat saknong)

Ang aking minamahalSa puso ko’y ikaw langAng tanging sinisigawIkaw ay aking dasal.

ANG KALIKASAN

(11 pantig, 1 linya sa bawat saknong)

Ang kalikasan ay dapat ingatan

Kung ating gusto ay magandang bayan

Ang kalikasan ay dapat tulungan

Kung hindi, tayo’y maaapektuhan

ANG HIGANTENG TREN

Pinoy Edition (8 pantig, 6 linya sa bawat saknong)

Tila ahas na nagmula

sa himpilang kanyang lungga,

ang galamay at palikpik

pawang bakal, tanso, tingga,

ang kaliskis, lapitan mo’t

mga bukas na bintana!

Ang riles na lalakatay

nakabalatay sa daan,

umaaso ang bunganga

at maingay na maingay

sa Tutuban magmumula’t

patutungo sa Dagupan!

O kung gabi’t masalubong

ang mata ay nag-aapoy

ang silbato sa malayo’y

dinig mo pang sumisipol

Ang Mabuting Alipin

(8 pantig, 4 linya sa bawat saknong)

Alila man, o alipin,

Siya ay isang tao pa rin;

Hindi to’ dapat dustain,

Kundi dapat ay mahalin.

Sa maghapo’y gumagawa,

Hindi maghihintay-awa,

O malaking pagpapala

Kung hindi ng pag-unawa.

Alila man, o alipin,

Siya ay napapagod na rin;

Sa marami niyang gawain

Kaya nga’t tulungan natin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pinagmulan Ng Komunidad – Sagot Sa “Saan Nagmula Ang Komunidad?”