Bakit Hindi Lumulubog ang Isang Barko? (Paliwanag)

Bakit Hindi Lumulubog ang Isang Barko? (Paliwanag)

by Josh Bianc

Date:
January 12, 2022

in:
Educational



Dahilan kung bakit hindi lumulubog ang barko

Bakit hindi lumulubog ang isang barko? – Marahil ito ang munting katanungan sa iyong isipan noong ikaw ay bata pa.

Ngunit bago natin sagutin ang katanungang ito, alamin nating kung ano nga ba ang barko.

Ang barko ay hango sa salitang Latin na “barca” o “barco” sa wikang Espanyol na nangangahulugang maliit na sasakyang pantubig.

Bagaman walang titik “C” sa alpabetong Pilipino noon ay pinalitan ito ng titik na “K”.

Sa madaling salita, ito ay isang sasakyang pandagat na may kakayahang lumutang sa tubig.

Sa ngayon, ang barko ay ginagamit bilang isa sa pangunahing transportasyon sa bansa.

Hindi lamang ito ginagamit bilang sasakyan ng mga tao, bagkus ito rin ay nagsisilbi bilang tagahatid ng mga kalakal at produkto sa loob at labas ng bansa.

Kung ating mapapasin, iilan lang ang mga barkong naulat na lumubog sa kalagitnaan ng dagat.

Maraming rason kung bakit lumulubog ang isang sasakyang pandagat. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • collission o banggaan/pagbangga
  • bad weather o masamang panahon
  • equipment breakdown o pagtirik ng makina
  • war o giyera
  • flooding o pagbaha
  • human error o pagkakamali ng mga tao

Pero paano nga ba nanatiling nakalutang ang isang sasakyang pandagat sa ibabaw ng karagatan?

Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang tinatawag na buoyancy. Ito ay isang siyentipikong proseso na tumutulong upang hindi lumubog sa tubig ang barko.

Kung ang barko ay mas magaan sa maximum volume ng tubig, lulutang ito at kung ito naman ay mas mabigat, ito ay lulubog.

Ang barko ay lumulutang dahil ito ay mas magaan sa maximum volume ng karagatan.

BASAHIN:

Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.



comment(s) for this post “Bakit Hindi Lumulubog ang Isang Barko? (Paliwanag)”. Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

Tagged as:
Bangka,
barko,
bouyancy,
paglubog barko,
sasakyang pandagat

{ 0 comments… add one }